Tuesday, October 13, 2015

Filipino Blog

Mga napapanahong isyu : Kahirapan





Ang kahirapan ang isa sa mga isyung kinakaharap nating mga Pilipino at nararanasan ng ating bansa sa kasalukuyan. Madalas natin sinisisi ang kahirapan sa mga namumuno ng ating bansa pero sila nga ba ang may gawa kung bakit napakadaming mahirap o naghihirap sa atin ngayon? 

Sa aking palagay hindi rin naman gawa ng mga namumuno kung bakit nagkakaroon ng mga mahirap sa atin kundi marahil gawa ng marami sa ating mga Pilipino ay tamad. Kung lahat talaga ng Pilipino ay aasa nalang sa ating gobyero ay tiyak na hindi sila makakaraos at lalong lalago lang ang bilang ng mga mahirap sa ating bansa. Sa tingin ko masusulusyunan ang problema na ito kung magkakaroon tayo ng disiplina, Oo tama yang nabasa mo Disiplina ang tanging kinakailangan natin upang magkaroon ng pagbabago sa ating bansa. Ang hirap lang talaga ay marami sa atin ang hindi nakakaintindi sa salitang ito, wala silang ginawa kungdi sumuway sa mga batas at walang disiplina sa sarili mga matitigas at ulo at makukulit. 

Dapat din ay hindi magkaroon ng tinatawag natin na crab mentality sapagkat ito ay hindi ngakakaroon ng magandang resulta. Dapat tanggapin nalang kung ano ang meron ng isa at huwag nang hilahin pa pababa dahil kung ito ay pipigilan natin ay tiyak na walang mangyayari sa atin. 

Kung matututo tayo dumisiplina ay matututo din silang sumunod at kung sila ay susunod maaaring magsipag sila at hindi na aasa sapagkat alam na nila kung ano ang kailangan nilang gawin upang makaahon sa kahirapan. Pero magagawa kaya natin to?

Sa palagay ko ay makakaya natin ito basta tayo ay magtutulungan at magkakaisa dahil kung tayo'y magkakaisa walang problema ang hindi natin kayang harapin. Naniniwala din ako na kahit ano pang problema iyan maliit man o malaki ay parating may solusyon basta tayong magtulungan at magkaisa at malulutas din natin ito, makakaahon din ang Pilipinas sa kahirapang ating dinadanas. 

3 comments:

  1. TAMA!!!Hindi gawa ng namumuno ang paghihirap sapagkat ang ating katayuan sa buhay ay batay sa pangarap at pagsisikap nito :))))))

    ReplyDelete
  2. tama. dapt magtulungan ang lahat!

    ReplyDelete